^

PM Sports

Batang Pier lusot sa Tropang Giga

Russell Cadayona - Pang-masa
Batang Pier lusot sa Tropang Giga
Ang fastbreak play ni Joshua Munzon ng NorthPort kontra kay TNT import Rondae Hollis-Jefferson.
PBA Image

MANILA, Philippines — Inangkin ng NorthPort ang solong liderato matapos takasan ang TNT Tropang Giga, 100-95, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ikinarga ng Batang Pier ang ikaapat na sunod na panalo at inihulog ang Tropang Giga sa 0-2 marka.

Kumolekta si Joshua Munzon ng 20 points, 4 steals, 3 rebounds at 2 assists para banderahan ang NorthPort at may 27 markers si import Kadeem Jack.

“Still the defense wins us for this game,” wika ni assistant coach Rensy Bajar. “We know that TNT has a lot of threats, especially on their offense. Luckily, we stopped their import RHJ (Rondae Hollis-Jefferson) in the second half.”

Bumangon ang Ba­tang Pier mula sa isang 11-point deficit, 64-53, sa third period para agawin ang 65-64 bentahe sa Tropang Giga sa 4:15 minuto nito mula sa inihulog na 12-0 bomba.

Ilang beses nagpalitan ng lamang ang dalawang koponan, ang huli ay sa 94-93 matapos ang dalawang free throws ni Hollis-Jefferson sa 2:45 minuto ng fourth quarter.

Nagtuwang sina Munzon, Arvin Tolentino at rookie Evan Nelle para ibigay sa NorthPort ang 100-95 kalamangan sa nalalabing 1:28 minuto ng laro.

Ang dalawang sunod na turnovers nina Rey Nambatac at Hollis-Jefferson ang nagpaguho sa pag-asa ng TNT na makadikit.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with