^

PM Sports

Inspiring Journey pabibo sa pista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinakitaan ng husay ng Inspiring Journey ang kanyang mga tagahanga matapos ang walang kahirap-hirap na panalo sa 2-Year-Old Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Humarurot agad sa unahan ang Inspiring Journey paglabas ng aparato at hindi nito pinadikit ang humahabol sa pangalawang puwesto na Easy Go Lucky.

Pagsapit sa far turn ay nanatili sa unahan ang Inspiring Journey na sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, lamang ito ng halos tatlong kabayo sa humahabol pa rin na Easy Go Lucky habang malayong tersero ang Loboc River at pang-apat ang Daijobo Express.

Tinawid ng Inspiring Journey ang finish line ng may 10 kabayo ang agwat sa pumangalawang Easy Go Lucky, pangatlo ang Daijobo Express habang pang-apat ang Loboc Ri­ver.  

METRO TURF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with