^

PM Sports

Gin Kings binuhat ni Brownlee sa Game 1

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings binuhat ni Brownlee sa Game 1
Sumalaksak si Ginebra guard Scottie Thompson laban kay Meralco forward Cliff Hodge.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nilasing ng Barangay Ginebra ang Meralco, 99-92, para makaungos sa 1-0 kartada sa kanilang 2024 PBA Governors’ Cup best-of-five quarterfinal series kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Kumolekta ng halos triple-double na 29 puntos, 13 rebounds at 7 assists sahog pa ang 3 steals si resident import Justine Brownlee upang makaisa uli sa kanyang karibal na si Allen Durham ng Bolts.

Matatandaang tatlong beses nang tinalo ni Brownlee at ng Gin Kings si Durham at ang Bolts sa finals ng Governors’ Cup bago magtapat nang mas maaga ngayong edisyon sa quarterfinals pa lang.

Sa kabila nito, pareho ang naging resulta para kay Brownlee na nakakuha ng ambag kina Scottie Thompson, Stephen Holt at Japeth Aguilar.

Kumamada ng 19 puntos, 5 rebounds at 5 assists si Thompson, may 14 si Holt habang may 10 puntos at 7 rebounds si Aguilar.

Sumuporta rin si Ralph Cu na may 9 puntos habang may tig-8 sina RJ Abarrientos at Maverick Ahanmisi para sa mga bataan ni coach Tim Cone na sinalubong din ang beteranong big man na si Joe Devance.

Balik-Ginebra si De­vance upang tulungan ang manipis nilang frontline matapos ang injury ni Isaac Go mula nang mag-retiro ito noong 2022. Sumalang siya sa anim na minuto at nakapag-ambag ng 2 puntos.

Kumawala ang Ginebra sa third quarter, kung saan sila lumamang ng hanggang 15 puntos, 66-51, at kinailangan na lamang pigilan ang kada subok ng Bolts tungo sa tagumpay.

Bumandera sa Meralco, kampeon ng Philippine Cup, si PBA Press Corps Defensive Player of the Year Cliff Hodge na may 23 puntos at 5 rebounds.

Sa kanilang muling pagtatapat ni Brownlee ay nagkasya lang sa 17 puntos at 13 rebounds si Durham habang si Chris Banchero lang ang naka-iskor ng double digits para sa kopo­nan ni coach Luigi Trillo.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with