^

PM Sports

Chiefs sumampa sa win colunm

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumampa ang Arellano University sa win column matapos gibain ang San Sebastian College-Recoletos, 87-73, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ito ang unang panalo ng Chiefs matapos ang 0-4 panimula at ibinagsak ang Stags sa ikatlong dikit na kamalasan para sa 2-3 marka.

“Iyong mga bata, they committed to play hard and then gusto nilang tapusin kasi pressured to win na. Iyon ang kailangan naming gawin kundi malulubog kami sa bottom,” sabi ni coach Chico Manabat.

Kumamada si T-Mc Ongotan ng career-high 21 points, 5 rebounds at 5 assists para banderahan ang Arellano habang naglista si Lorenz Capulong ng 12 markers, 10 rebounds at 2 blocks.

Umiskor si Nico Aguilar ng 14 points kasunod ang tig-11 markers nina Harold Ricio at Paeng Are sa panig ng San Sebastian.

Kinuha ng Chiefs ang 51-43 halftime lead patungo sa pagtatala ng 64-52 abante sa huling 3:13 ng third period.

Ang drive ni Ongotan ang lalo pang nagbaon sa Stags sa 79-63 sa 6:43 minuto ng fourth quarter.

Matapos ito ay ilang beses nagkagirian ang mga players ng Chiefs at Stags na naawat naman ng kanilang mga coaches at teammates.

Sa ikalawang laro, dinungisan ng Letran (3-2) ang dating malinis na record ng St. Benilde (4-1) mula sa 71-69 pagtakas.

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with