^

PM Sports

Krusyal na panalo ng Blackwater

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Krusyal na panalo ng Blackwater
Ginawang palaman nina Jewel Ponferrada at import George King ng Blackwater si June Mar Fajardo ng San Miguel.
PBA Image

MANILA, Philippines — Buhay pa ang pag-asa ng Blackwater sa quarterfinals matapos umiskor ng 111-94 panalo kontra sa import-less San Miguel sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sinamantala ng Bos­sing ang hindi paglalaro ni Jordan Adams para sa Beermen dahil sa hamstring injury sa pangungu­na ng 49 points ni super import George King.

Nakatabla ngayon ang Blackwater sa tenggang NLEX hawak ang parehong 4-5 kartada para sa ikaapat at huling quarterfinal ticket sa Group B.

May tsansa ang Bos­sing na mapalakas ang pag-asa kung magwawagi sa huling laban kontra sa Rain or Shine (7-2) na na­una na sa quarterfinals kasama ang Ginebra (6-3) at San Miguel (6-4).

Nagawa ito ng Blackwater sa tulong nina Sedrick Barefield at Justin Chua na may 14 at 9 mar­kers, ayon sa pagkakasu­nod.

Wala si Adams sa la­ro na siyang huling assign­ment ng SMB upang ipa­hinga ang kanyang injury bago ang playoffs at walang patumpik-tumpik na binira ang tsansang ito ng Bossing nang kumaripas sa 30-21 ratsada.

Hindi na pinalamang ng mga bataan ni coach Jeff Cariaso ang SMB buhat doon tungo sa krusyal na tagumpay.

Bumida sina June Mar Fajardo at CJ Perez na may 23 at 21 points, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with