^

PM Sports

Unang PVL crown ‘di pakakawalan ng Akari

Russell Cadayona - Pang-masa
Unang PVL crown �di pakakawalan ng Akari
Inaasahang solidong suporta ang ibibigay nina Grethcel Soltones at Ced Domingo kay Akari import Oly Okaro sa pagharap sa Creamline sa PVL Finals.
STAR/File

MANILA, Philippines — Maitutuloy kaya ng Akari sa 11 ang kanilang winning streak para makopo ang pinapangarap na kauna-unahang Premier Volleyball League (PVL) crown?

Ito ang pilit na gagawin ng Chargers sa pagsagupa sa eight-time champions Creamline Cool Smashers sa knockout championship game ng 2024 PVL Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang bakbakan ng Akari at Creamline ngayong alas-6 ng gabi matapos ang third place showdown ng Cignal HD at PLDT sa alas-4 ng hapon.

Kinumpleto ng Chargers ang eight-game sweep sa eliminations bago sibakin ang Farm Fresh Foxies sa quarterfinals at ang High Speed Hitters sa semifinals para ilista ang 9-0 record.

“Hindi namin ito i­ni-expect na aabot kami ng semis kasi ang target lang namin is mag-No. 6 or mag-Top 5,” ani Grethcel Soltones sa Akari na ang best finish ay pang-pito.

Sa pagpapatalsik sa PLDT ay humataw si American import Oly Okaro ng 39 points habang may 19 at 16 markers sina Ivy Lacsina at Soltones, ayon sa pagkakasunod.

“Ang iniisip namin is magtrabaho lang kami. Kung ibigay samin ‘yung (championship) ngayong season, bonus na lang ‘yon. Ang importante po nag all-out kami ngayong season,” wika ni Soltones.

Target naman ng Creamline ang pang-siyam na PVL title sa kanilang ika-12 finals appearance.

Tinakasan ng Cool Smashers ang Cignal HD Spikers, 20-25, 26-28, 25-18, 27-25, 15-13, sa kanilang knockout semifinal match papasok sa finals.

Nagawa ito ng tropa na wala sina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos at Alas Pilipinas member Jema Galanza.

Ito ang ikatlong finals stint ng Creamline sa Reinforced Conference matapos magreyna noong 2018 at sumegunda noong 2019.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with