Bangis ng Beautiful Liana nakita sa pista
MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang bangis sa karerahan ng Beautiful Liana matapos angkinin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.
Sinabayan ng Beautiful Liana ang naghuramentado sa bilis sa largahan na Sta. Maria at Viva D’ Oro paramagkapanabayan sa unahan sa kaagahan ng karera.
Mga ilang metro ng karera ay nakihalo na rin sa bakbakan ang Just Me sa Sta. Maria, Beautiful Lady at Viva D’ Oro papalapit sa kalagitnaan ng karera.
Subalit sa far turn ang Sta. Maria, Beautiful Lady at Viva D’ Oro na lang ulit ang nagtatagisan ng bilis at lalong naging mainit ang labanan dahil magkapanabayan pa rin ang mga ito pagsapit ng huling kurbada.
Umagaw ng unahan ang Beautiful Liana sa rektahan kaya naman sa huling 100 metro ng labanan ay nakaungos na ito ng dalawang kabayo.
Nanaig ang Beautiful Liana ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang Viva D’ Oro, tersero ang Sta. Maria habang pumang-apat ang Ever Land.
Ginabayan ni jockey Jonathan D. Flores, nirehistro ng Beautiful Liana ang tiyempong 1:28.2 minuto sa 1,400 meter race.
- Latest