^

PM Sports

Cignal, Capital1 agawan sa semis berth

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng No. 2 Cignal HD at No. 7 Ca­pital1 Solar Energy ang semifinal seat sa pag­hataw ng knockout quarterfinals ng 2027 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang duwe­lo ng HD Spikers at Solar Spikers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang sal­pukan ng No. 1 Akari Chargers at No. 8 Farm Fresh Foxies sa alas-6 ng gabi.

Tinalo na ng Cignal ang Capital1 via four-setter sa una nilang pagtu­tuos sa elimination.

“Never be complacent dahil lahat ng team you’ll never know sino ma­na­nalo,” ani HD Spi­kers team captain Ces Molina.

“Lahat nagpalakas at ta­lagang nag prepare para dito. Kailangan consistent ka from the beginning da­­hil ang taas ng level ng volleyball ngayon,” dag­dag nito.

Pinangingilagan ang Solar Spikers sa pangu­nguna ni Russian import Marina Tushova na nagposte ng bagong PVL scoring record na 49 points.

Naglista ang Capital1 ni coach Roger Gorayeb ng 1-10 record sa una ni­­­lang salang sa nakaraang All-Filipino Confe­rence na pinagreynahan ng Creamline kontra sa Choco Mucho.

“Kailangan ready ang team, mag-ingat, magpa­kundisyon at mas mag-fo­cus pa,” sabi ni Cignal coach Shaq delos Santos.

Paborito naman ang Aka­ri na manalo sa Farm Fresh na winalis nila sa unang pagkikita.

Kinumpleto ng Chargers ang 8-0 sweep sa eli­minasyon, habang nagtala ang Foxies ng 3-5 record.

“Iyon nga, sabi ko sa kanila huwag ma­ging complacent hanggang wala pa kaming na­­ha­hawakan na dapat ha­wa­kan,” sabi ni Grethcel Soltones ng Akari.

Sa iba pang knockout matches sa Martes, lalaba­nan ng No. 3 Creamline ang No. 6 Petro Gazz, ha­bang haharapin ng No. 4 PLDT ang No. 5 Chery Tiggo.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with