^

PM Sports

TNT pumuwesto na sa quarterfinals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Solo uli ang reigning champion TNT Tropang Giga sa liderato ng Group A matapos daigin ang Meralco, 108-99, sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Nagbalik-aksyon si Calvin Oftana mula sa minor injury at nagpakitang-gilas agad sa 25 puntos ng banderahan ang Tropang Giga na umangat sa 6-1 kartada sa Group A.

Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng TNT upang umabante sa quarterfinals at mamuro sa title defense nito simula nang malasap ang una at t­anging kabiguan nito kontra sa Converge, 96-95.

Matatandaang binalagbag na ng Tropang Giga ang Bolts sa first round, 93-73, at hindi uli nagpaawat ngayon sa tulong din ng reigning Best Import na si Rondae Hollis-Jefferson na may 22 puntos.

Nakaakbay nina Oftana at Hollis-Jefferson sa tagumpay sina Kim Aurin, Jayson Castro at Poy Erram habang may tig-9 puntos sina Roger Pogoy at nagbabalik na Kelly Williams para sa koponan ni coach Chot Reyes.

Mainit ang naging simula ng TNT nang makapagtayo agad ng 12 puntos na bentahe sa first quarter, subalit kinailangang mapigilan ang arangkada ng Bolts sa fourth quarter tungo sa tagumpay.

Naputol ang apat na sunod na panalo ng Meralco upang bumaba sa segunda puwesto hawak ang 5-2 kartada.

 

vuukle comment

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with