^

PM Sports

Gilas mas mabagsik ngayon--Toroman

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas mabagsik ang kasalukuyang Gilas Pilipinas partikular na ang sumabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Ito ang inihayag ni da­ting men’s basketball head coach Rajko Toroman matapos masaksihan ang magandang ipinamalas ng Gilas Pilipinas sa Olympic qualifiers.

Magandang sistema at solidong chemistry ang naging armas ng Gilas sa matikas na kampanya nito.

Bagama’t bigo ang Gilas na makahirit ng tiket sa Paris Olympics, naniniwala si Toroman na magandang simula ito para sa mga susunod na torneong lalahukan ng tropa.

Nangunguna sa dahilan ni Toroman ang magandang programa ni Gilas head coach Tim Cone.

“In our time, the prog­ram we had, we don’t have size at that moment. Some guys have no international exposure, and we were made up of some collegiate players,” ani Toroman.

Isa pa rito ang pagkakaroon ng matangkad na lineup dahilan para makasabay ito sa mga higanteng kalaban sa Olympic qualifiers.

Nangunguna na sa listahan si Kai Sotto kasama pa sina June Mar Fajardo at Japeth Aguilar.

Nasa lineup din ng Gi­las si AJ Edu ngunit hin­di ito nakalaro dahil nagpapagaling pa ito sa kanyang injury.

Nagawang pabagsakin ng Gilas ang host Latvia sa iskor na 89-80 sa kanilang unang pagsalang sa Olympic qualifiers.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with