^

PM Sports

Canada swak sa quarterfinals ng VNL

Russell Cadayona - Pang-masa
Canada swak sa quarterfinals ng VNL
Nasawata ni Stephen Maar ng Canada ang hataw ni Nimir Abdel-Aziz ng Netherlands sa Men’s VNLni Nimir Abdel-Aziz ng Netherlands sa Men’s VNL Manila Leg. (Kuha ni Russell Palma)Manila Leg.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kinumpleto ng Cana­da ang 4-0 sweep sa Manila Leg ng 2024 Volleyball Nations League (VNL) matapos sibakin ang Netherlands, 21-25, 25-22, 28-26, 14-25, 15-9, kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa pagpoposte ng 8-4 record ay inangkin ng mga Canadians ang No. 4 spot sa eight-team quarterfinal round sa ilalim ng Slovenia (9-1), Poland (8-2) at Italy (8-2).

Bumanat si Stephen Maar ng 18 points para pangunahan ang Canada na nalampasan ang hinataw na 37 markers ni Nimir Abdel-Aziz tampok ang 30 attacks nito sa panig ng Netherlands na bumagsak sa No. 13 mula sa 3-9 kartada.

Bumangon ang mga Canadians mula sa first set loss para kunin ang 2-1 bentahe sa laro bago nakatabla ang mga Dutchmen sa fourth set.

Pagdating sa fifth set ay hindi bumitaw ang Canada para ipalasap sa Netherlands ang ikaapat na dikit na talo sa Manila leg.

Samantala, pinalakas ng United States ang pag-asa sa quarterfinals matapos sibakin ang Germany, 25-23, 21-25, 26-24, 25-23.

Naglista si Matt Anderson ng 23 points mula sa 20 attacks at tatlong aces kasunod ang 20 markers ni TJ Defalco para sa 5-6 marka ng mga Americans.

VNL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with