Meralco lusot sa Terrafirma
MANILA, Philippines — Bumalikwas ang Meralco mula sa isang 11-point deficit sa thid period para balikan ang Terrafirma, 86-83, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Naglista si guard Bong Quinto ng 18 points, 7 rebounds at 4 assists para sa 3-3 record ng Bolts kasosyo ang Dyip sa pang-limang puwesto.
Umiskor si big man Nolbert Torres ng 15 markers kasama ang dalawang three-pointers para sa Meralco, habang humakot si Raymond Almazan ng 14 points.
Pinamunuan nina Stephen Holt at Juami Tiongson ang Terrafirma sa kanilang tig-20 points kasunod ang tig-11 markers nina Aldrech Ramos at Javi Gomez De Liano.
Ang free throw ni Holt ang naglatag sa 54-43 kalamangan ng Dyip sa third quarter.
Bumida sina Torres, Quinto at Chris Banchero para ibigay sa Bolts ang 76-71 bentahe sa 6:18 minuto ng fourth period.
Naidikit ni Holt ang Terrafirma sa 83-85 sa hulng 6.6 segundo.
Matapos ang free throw ni Quinto para sa 86-83 abante ng Meralco sa natitirang 6.6 segundo ay hinablot ni Cliff Hodge ang offensive rebound para selyuhan ang kanilang panalo.
Samantala, pinatawan ng PBA si Magnolia forward Calvin Abueva ng one-game suspension at multang P20,000 dahil sa middle finger incident sa kanilang ‘Manila Clasico’ ng Ginebra noong Linggo.
- Latest
















