^

PM Sports

Lucero isasalang ng NorthPort vs NLEX

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masusubukan ngayon ang star rookie na si Zavier Lucero ng NortPort sa kanyang inaabangang debut kontra sa bagong-bihis na NLEX sa pagpapatuloy ng 2024 PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

In-activate ng Batang Pier si Lucero sa line-up nito kapalit si John Amores na napunta sa injured/reserver list sakto sa sagupaan nila kontra sa NLEX sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos naman ng bakbakan ng Terrafirma at Converge sa alas-4:30 ng hapon.

Natengga sa injured list si Lucero ng ilang buwan dahil sa ACL injury na na­tamo niya sa huling kampanya para sa UP Fighting Maroons sa UAAP noong nakaraang taon.

Kahit may iniinda pang injury, sinikwat pa rin siya ng NorthPort bilang No. 5 overall pick sa PBA Season 48 draft dahil sa kalibre bilang dating UAAP Mythical Team member.

Ngayong magaling na at handa nang sumabak, makikilatis ang Filipino-American sensation kasama ang mga kapwa bagito pero palabang Batang Pier ni coach Bonnie Tan.

Bukod kay Lucero, makakasama na rin ng NorthPort ang isa pang ri­sing star na si Will Navarro pati na ang ibang rookies na sina Cade Flores, Brent Paraiso at Fran Yu upang makatulong nina veterans Arvin Tolentino at Joshua Munzon.

Haharang sa kanilang daan ang Road Warriors ni coach Frankie Lim, na nakuha ang dati niyang player sa San Beda na si Baser Amer mula sa free agency upang makapares ng bago din nilang alas na si Robert Bolick.

 

NORTHPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with