^

PM Sports

Kai Sotto tuloy ang pasikat sa B.League

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasiklab si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto matapos kumana ng career-high output sa 90-85 overtime win ng Yokohama B-Corsairs laban sa Chiba Jets sa Japan B.League na ginanap sa Funabashi Arena sa Japan.

Bumanat ang 7-foot-3 Pinoy cager ng career-best 26 points mula sa impresibong 9-of-13 shooting clip para banderahan ang Yokohama sa panalo.

Nagrehistro pa si Sotto ng season-high 11 rebounds para maitarak ang ikalawang sunod na double-double output nito sa liga.

Nauna nang umiskor si Sotto ng 18 points at 10 rebounds sa 79-89 pagyuko ng Yokohama sa China sa kanilang unang pagtatagpo noong nakaraang linggo.

Naging matikas na sandalan ng Yokohama si Sotto partikular na sa extra period kung saan naglista ito ng anim na puntos kabilang ang dalawang krusyal na free throws na naitarak nito sa huling segundo ng laro.

Nakatuwang ni Sotto si Jarrod Uthoff na umiskor naman ng 17 puntos at walong rebounds para sa Yokohama.

Nasayang ang pinagsikapan ni John Mooney na 25 puntos at siyam na boards para sa Jets.

Bahagyang gumanda ang rekord ng Yokohama na umangat sa 17-22 marka.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with