^

PM Sports

Orlando Magic pinalubog ang Phoenix Suns

Pang-masa
Orlando Magic pinalubog ang Phoenix Suns
Bigo si Kevin Durant ng Suns na masawata ang slam dunk ni Magic center Wendell Carter, Jr.

ORLANDO, Fla. -- Ku­mamada si Paolo Banchero ng 26 points para banderahan ang Magic sa 113-98 pagpapabagsak sa Phoenix Suns.

Sinapawan ng Orlando (24-22) ang hinataw na 44 markers ni Devin Booker sa panig ng Phoenix (26-20).

Inilaglag ng Magic ang Suns sa ikalawang di­kit na kamalaan matapos magposte ng seven-game winning streak.

Ginamit ng Orlando ang kanilang depensa sa Phoenix sa pangunguna ng 6-foot-10 na si Banchero ka­sama sina 6’10 Franz Wagner, 6’11 Moritz Wagner at 6’11 Jonathan Isaac.

Tumapos si Moritz Wagner na may 16 points at 12 rebounds, habang may 14, 11 at 10 markers sina Markelle Futz, Franz Wagner at Jalen Suggs, ayon sa pagkakasunod.

Nilimitahan din ng Ma­gic si Booker sa dalawang puntos sa kabuuan ng fourth quarter sa panig ng Suns na nakahugot kay Kevin Durant ng 15 points.

Ang three-point shot ni Franz Wagner ang nagbigay sa Orlando ng 97-92.

Sa Atlanta, ang follow up dunk ni Saddiq Bey mula sa mintis ni Trae Young sa nalalabing 1.1 se­gundo ang nagtakas sa 126-125 panalo ng Hawks (19-27) kontra sa Toronto Raptors (16-30).

Sa Indianapolis, nag­salpak si Bennedict Ma­thurin ng 24 points mula sa bench at kumonekta si Jalen Smith ng isang go-ahead three-pointer late para tulungan ang Indiana Pacers  (27-20) sa 116-110 pagdaig sa  Memphis Grizzlies (18-28).

Sa Portland, tumipa si DeMar DeRozan ng 20 points at tinapos ng Chicago Bulls (22-25) ang kanilang two-game losing skid sa 104-96 paggupo sa Trail Blazers (13-33).

ORLANDO MAGIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with