^

PM Sports

Biado hari sa Taiwan 9-Ball Open

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasiguro ni three-time Southeast Asian Games champion Carlo Biado ang unang korona nito makaraang angkinin ang kampeonato sa 2nd Chinese Taipei Open 9-Ball Pool Championship na ginanap sa Hulk Billiards Hall sa New Taipei City, Taiwan.

Inilabas ni Biado ang matikas na porma nito para igupo ang kababayang si Bernie Regalario sa all-Filipino final sa pamamagitan ng 13-7 desisyon.

Tabla sa 7-all ang laban nang bumulusok si Biado kung saan inilatag nito ang 6-0 run para matamis na angkinin ang panalo.

Naibulsa ni Biado ang tumataginting na $10,000 premyo o mahigit kalahating milyong piso.

Nagkasya naman ang 19-anyos na si Regalario sa $5,000 konsolasyon o halos P300,000 premyo.

Sa katunayan, maagang lumasap ng kabiguan si Biado sa torneo nang magtamo ito ng 4-9 desisyon kay Taiwanese Ching Feng Wang sa second round.

Kaya naman mas naging agresibo si Biado sa mga sumunod na laban nito matapos mahulog sa losers’ bracket.

Pitong sunod na panalo ang naitala nito kabilang ang 8-1 pananaig kay Taiwanese Shun Yang Kao.

Muling humataw ang 2021 U.S Open 9-Ball Championship titlist nang itarak nito ang 8-1 panalo kay Toh Lian Han ng Singapore kasunod ang pananaig sa kababayang si Jeffrey Roda (8-2), Vietnamese Bui Truong An (9-3,) at Taiwanese Liu Yun-Cheng (10-0).

vuukle comment

CARLO BIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with