Olympic gold
Patuloy rumatsada ang Philippine sports sa katatapos na taon, at kasama sa ratsada ang four-gold showing ng Team Phl sa Hangzhou Asian Games.
Malaking highlight moment ang hosting ng bansa ng FIBA World Cup at ang memorable FIFA Women’s World Cup debut ng Filipinas.
At pagkatapos nga eh, nagpadagundong sina EJ Obiena, Gilas Pilipinas at jiu-jitsu fighters Meggy Ochoa at Annie Ramirez sa kanilang gold-medal showing sa Asiad.
Bago ito, breakthrough showing sa Tokyo Olympics noong 2022 ang hatid ng Team Phl.
Kaya naman, malaking hamon sa mga Filipino athletes kung paano masusustina ang matayog na lipad sa taong 2024.
Panibagong Olympic year ang 2024. Ang challenge ay ang follow-up sa historic gold-medal feat ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Sina Obiena, boxer Eumir Marcial at Caloy Yulo ay medal contenders na pasok na sa Paris Games.
May dalawang qualifiers pa para sa mga boxers upang makasungkit ng Olympic tickets.
Paparating din ang iba pang qualifiers para sa ibang national athletes.
Dadaan ang Gilas Pilipinas sa FIBA OQT (Olympic Qualifying Tournament). Pero masalimuot ang kanilang lakbayin, considering hanggang ngayon eh, hindi pa nainonombra ang national coach at ang bubuo ng koponan.
Katanungan din ang kondisyon ni Diaz at ang kanyang kapabilidad na lumaban sa mas mabigat na timbang kaysa sa kanyang pinanalunan sa Tokyo.
Pero inaasahan mararating ng mga Phl weightlifters ang Olympic proper.
Ang target: Makinang na ginto.
- Latest