Thompson Player of the Week Cadayona
MANILA, Philippines — Hinirang si Barangay Ginebra guard Scottie Thompson bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week.
Nagmula si Thompson sa isang swollen knee injury at tinulungan ang Gin Kings na tapusin ang two-game losing skid para iposte ang back-to-back wins laban sa Meralco Bolts at TNT Tropang Giga.
Sa nasabing dalawang sunod na ratsada ng Ginebra ay nagposte si Thompson ng mga averages na 16.5 points, 7.0 rebounds at 7.0 assists at kinilalang Best Player of the Game.
Tinalo ng one-time PBA MVP para sa nasabing weekly citation si Terrence Romeo ng San Miguel at ang Ginebra teammate niyang si Christian Standhardinger.
Sa 110-96 panalo ng Gin Kings sa Bolts ay tumapos si Thompson na may 21 points, 7 rebounds at 7 assists.
“When Scottie came in, he changes everything,” sabi ni Meralco coach Luigi Trillo kay Thompson. “In the two games that they lost, he wasn’t there. So you can see the disparity in movement.”
Sa Christmas Day ay nagtala si Thompson ng 12 points tampok ang dalawang krusyal na three pointers sa final canto para sa 86-78 come-from-behind win ng Ginebra kontra sa TNT.
Ang naturang dalawang dikit na panalo ng Ginebra ang nagbigay sa kanila ng tiket sa eight-team quarterfinal round.
May 6-3 record ang Gin Kings katabla ang Beermen sa fourth place.
- Latest