^

PM Sports

Giant Lanterns dikit na sa MPBL crown

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namuro sa makasaysayang kampeonato ang Pampanga Giant Lanterns matapos ang dikit na 68-65 panalo kontra sa bisitang Bacoor sa Game 2 ng 2023 MPBL National Finals kamakalawa ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando.

Giniyahan ni Season MVP Justine Baltazar kasama si Archie Concepcion ang pambihirang tagumpay ng Giant Lan­ters matapos ang panabla sanang tres ni James Kwekuteye ng Bacoor.

Angat ngayon ang Pampanga, kampeon ng North Division, sa 2-0 kartada sa kanilang best-of-three finale papasok sa potensyal na clincher Game 3 sa homecourt naman ng Bacoor ngayong Sabado sa Strike Gym.

Nagposte ng 13 puntos, 12 rebounds at 6 na assists si Baltazar habang may 13 puntos din si Concepcion para banderahan ang Giant Lanterns.

“Na-feel namin ‘yung bigat ng depensa ng Bacoor pero sabi ko nga, importante ‘yung puso ng mga bata ko. Hindi sila bumigay at lumaban pa rin talaga,” ani Pampanga governor at head coach Dennis “Delta” Pineda

Nauwi sa wala ang 16, 12 at 11 puntos nina James Kwekuteye, Chito Jaime at Yvan Ludovice, ayon sa pagkakasunod para sa Strikers na yumukod din sa Game 1, 71-58.

Solidong follow-up ni Baltazar ang kanyang Game 2 performance sa kanyang parangal bilang MVP bago ang laro sa awarding ce­remony na pinangunahan ni MPBL founder at CEO Manny Pacquiao.

vuukle comment

GIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with