^

PM Sports

NU, UST unahan sa 1-0

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bakbakan ang reigning champion National University at University of Santo Tomas na mag-uunahan na makuha ang 1-0 bentahe sa sa Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 best-of-three championship series ngayong hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

Asahan ang matinding aksyon sa pagitan ng Lady Bulldogs at Golden Tigresses sa alas-5 ng hapon.

Lalarga rin ang duwelo ng Arellano University at Ateneo de Manila University sa alas-9 ng umaga kasunod ang bakbakan ng University of the East at College of Saint Benilde sa alas-11 ng umaga.

Masisilayan din ang engkuwentro ng Adamson University at Far Eastern University sa alas-2 ng hapon sa kanilang battle-for-third game.

Tututok ang atensiyon sa salpukan ng Lady Bulldogs at Golden Tigresses na magkaiba ang tinahak na daan bago makapasok sa finals.

Mabilis na dinispatsa ng NU ang Adamson sa kanilang semis game habang umabot naman sa rubber match ang semis ng UST bago itakas ang panalo kontra sa FEU.

Magsisilbing lider ng Golden Tigresses si super rookie Angeline Poyos na nagpasabog ng 21 puntos mula sa 17 attacks at apat na blocks sa kanilang hu­ling laro.

Sasandalan din ng UST sina Jonna Perdido at Regina Jurado para pigilan ang matikas na ratsada ng Lady Bulldogs.

vuukle comment

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with