^

PM Sports

Daily Burn susukatan sa Imported Maiden race

Nilda Moreno - Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagsaad ng paglahok ang grupo ng Daily Burn sa magaganap na 2023 Philracom Imported Maiden Stakes Race na ilalarga sa Linggo sa Metro Turf, Mal­var-Tanauan City, Batangas.

Maliban sa Daily Burn, ang iba pang naghayag ng pagsali sa distansiyang 1,600 meter race ay ang Ca­talunya, Golden Opportunity, Magandang Dilag at Pharoahs Treasure.

Sasakyan ni class A rider John Alvin Guce ang Daily Burn at inaasahang mapapalaban sila sa karerang nakalaan ang P1.2 milyon na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Komento ng mga karerista sa social media, maga­ling na hinete si John Alvin (Guce) kaya malaki ang tsansa na maipanalo nito ang Daily Burn.

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P270,000, habang tig P150,000 at P60,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

May ibubulsa rin ang breeder ng winning horse na P60,000 at tig P36,000 at P24,000 ang second at third finishers.

Si Guce ang kasalukuyang top jockey ngayong taon dahil mara­ming naipanalong kabayo mula Enero hanggang ngayong Agosto.

Kaya naman posibleng makakuha ng malaking su­porta sa mga karerista ang tambalang Guce at Daily Burn.  

vuukle comment

PHILRACOM COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with