^

PM Sports

9 na batang kabayo bakbakan sa PCSO race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasabak ang Midnight Bell sa 2024 PHILRACOM - PCSO “2-Year-Old Maiden Stakes Race” na ilalarga sa Setyembre 29 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Nakalista ang Midnight Bell sa walong nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,200 meter race kung saan ay nakalaan ang guaranteed prize na P1.5M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Gagabayan ni former Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Midnight Bell na puntiryang ibulsa ang P900,000 premyo.

Ang ibang makikipagtagisan ng bilis sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay ang Be Kind, Brewing Point, Copperfield, La Luna, Marvin’s Pride, Panata at Sunset Beauty.

Base sa komento ng mga karerista mahirap mamili ng tatayaan dahil mga bagong kabayo ang tatakbo.

Maliban sa PHILRACOM, nag-sponsor ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P1M premyo sa titimbang na mga kabayo pagtawid sa meta.

Samantala, pakakawalan din sa nasabing petsa ang Sampaguita Stakes Race sa parehong lugar, nakalaan naman ang P1M sa anim na mauunang kabayo.

PHILRACOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with