^

PM Sports

Gilas Girls vs Malaysia sa semis

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasagupain ng Gilas Pilipinas Girls ang Malaysia sa knockout crossover semifinal round ng FIBA U16 Wo­men’s Asian Championship Division B sa Amman, Jordan.

Bumandera ang mga Pinay dribblers sa Group A sa kanilang inilistang 3-0 kartada habang may 2-1 baraha ang mga Malaysians sa Group B tampok ang 72-51 panalo sa Singapore.

Magkakasunod na pinadapa ng Gilas U16 girls team ang Hong Kong, 79-40, Maldives, 144-22, at Jordan, 106-58, patungo sa semis ng torneo.

Hangad ng tropa ni coach Pat Aquino na makapasok sa final round at ma-promote sa Division A ng FIBA U16 matapos pumangatlo noong nakaraang taon.

Sa nasabing edisyon ay yumukod ang mga Pinay ca­gers sa mga Samoans sa semis kaya nanatili sa Division B.

Muling pamumunuan ni Ava Fajardo, nakababatang kapatid ni women’s team standout Ella Fajardo ang Gilas Girls katuwang sina Kimi Sayson, Nevaeh Smith, Ryan Kelly Nair, Scarlett Mercado at Demicah Arnaldo.

Samantala, magtutuos din sa semis ang Iran, ang No. 1 team sa Group B, at ang Hong Kong.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS GIRLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with