Go Filipinas! puso!
Lalaban ang ating women’s football team sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa July 20 hanggang August 20 na jointly hosted ng Australia at New Zealand.
Historic ito dahil first time na may team ang Pinas sa Women’s World Cup. World… buong mundo. Kahit ‘yung grupo nina Phil at James Younghusband noong kalakasan ng Azkals ay hindi nagawa ito.
At para sa inyong kaalaman, football ang No. 1 sport sa buong mundo, hindi basketball, kaya hindi basta-basta ang nagawa ng mga Pinay booters.
Tulad ng Azkals, halos half-Pinay ang bumubuo sa team. Pero kung iisipin, puwede naman silang lumaro para sa ibang bansa, pero mas pinili nila ang Pinas. Pusong Pinay ‘di ba?
Samantalang may mga pure Pinoy blood, tumatangging maglaro para sa national team. (Ang tamaan, huwag magalit.)
Sa totoo lang, hindi ko naman kilala ‘tong Sarina Bolden, Quinley Quezada, Sara Eggesvik, Hali Long, Olivia Davies-McDaniel, Tahnai Annis, Reina Bonta, Katrina Guillou, Jessica Miclat at iba pa. Malay ko sa mga ‘yan. Pero sila ang mga Fil-foreign players na nagdala sa pangalan ng Filipinas. (Hindi Malditas na unang tawag sa women’s football team)
Dapat siguro natin silang kilalanin. Kasi malaking karangalan ang ibinigay nila sa Pinas. Inilagay nila ang Pinas sa mapa ng world football, isang sport na marami pa ring Pinoy ang hindi nakakaalam at malamang hindi pa nalalaro o nakakapanood.
Dapat ibigay natin ang buong suporta natin sa Filipinas tulad sa Azkals na nagkaroon ng maraming followers dahil sa mga poging players.
May magaganda rin naman sa Filipinas ‘di ba….
- Latest