^

PM Sports

Denver amoy na ang finals

Pang-masa
Denver amoy na ang finals
Tinirahan ni star center Nikola Jokic ng Nuggets si LeBron James ng Lakers sa Game Three ng kanilang Western Conference finals series.
STAR/File

Ibinaon ang Los Angeles sa 3-0 sa West series

LOS ANGELES — Hindi nagawa ni Nikola Jokic ang kanyang gusto matapos malagay sa foul trouble, habang nanlamig naman si Jamal Murray makaraang kumamada sa first half.

Ngunit humataw si Murray sa dulo ng fourth period para muling pamu­nuan ang Denver Nuggets sa 119-108 paggupo sa La­­kers sa Game Three at iposte ang 3-0 lead sa kanilang Wetstern Confe­rence finals series.

Tumapos si Murray na may 37 points at nagtala si Jokic ng 24 points at 8 assists para sa Denver na maaari nang walisin ang Los Angeles sa Game Four bukas papasok sa NBA Finals.

Nagwakas ang apat na sunod na pagtatala ni Jokic ng triple-double sa playoffs.

“This group is capable of doing great things, and they believe,” wika ni coach Michael Malone. “Belief is a very powerful thing.”

Wala pang NBA team na nakakabangon mula sa 0-3 pagkakabaon at ipanalo ang isang serye.

Umiskor si Kenta­vi­ous Caldwell-Pope ng 12 sa kanyang 17 points sa second half para sa Nuggets na asam ang una nilang NBA Finals matapos ang 47 taon sa liga.

Humakot si Anthony Davis ng 28 points at 18 para sa Lakers, habang naglista si LeBron James ng 23 points, 12 assists at 7 rebounds.

Nag-ambag din si Austin Reaves ng 23 points para sa Los Angeles na naka­balik mula sa 14-point de­ficit sa third period at inagaw ang 94-93 abante sa 7:48 minuto ng fourth quarter.

Ngunit isang 13-0 ata­ke ang ginawa ng Denver sa likod ng tatlong three-point shots nina Jeff Green, Bruce Brown at Murray para lumayo sa 117-103 sa huling 1:06 mi­nuto ng laro.

Nagdagdag si Brown ng 15 points at kumolekta si Michael Porter Jr. ng 14 points, 10 rebounds at 6 assists para sa Nuggets.

“So it’s time to go right back home and start to refuel and start the treatment process and recovery process and get ready for Monday. My mindset is always locked in,” sabi ni James.

JAMAL MURRAY

NBA

NIKOLA JOKIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with