Cambodia SEAG last na ni Reyes
MANILA, Philippines — Inihayag ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na hindi na ito hahawak ng national team na sasabak sa Southeast Asian Games sa mga susunod na edisyon nito.
Sa katunayan, may desisyon na si Reyes bago pa man magsimula ang Cambodia Games.
Nangako ito na ito na ang huling pagkakataon na hahawakan niya ang national team sa SEA Games.
Kaya naman magandang pabaon para kay Reyes ang matamis na pagbawi ng Gilas Pilipinas sa gintong medalya.
“Well, win or lose, this was my last SEA Games. I promise I will never coach here in the SEA Games anymore. At least, I was able to go out with a gold medal,” wika ni Reyes.
Matamis na naitarak ng Gilas Pilipinas ang 80-69 panalo laban sa Cambodia sa gold-medal match noong Martes ng gabi.
“It (national team) really has to be our younger players who are supposed to play here,” ani Reyes.
Matatandaang na-bas ng husto si Reyes sa social media matapos magkasya ang Gilas Pilipinas sa pilak noong 2021 edisyon ng SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam noong nakaraang taon.
Kaya naman siniguro nitong hindi na huhulagpos sa kamay ng Pilipinas ang ginto.
Umaasa si Reyes na mas magiging maaga ang preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa mga international competitions gaya ng SEA Games.
“Hopefully in the future, we can get together earlier to get the team to compete in Thailand,” ani Reyes.
Nais din ni Reyes na ipadala ang mga bagitong players sa SEA Games upang mahasa ang mga ito.
“I think it’s for the good of Philippine basketball. This really should bring younger players here for the SEA Games. I have no authority of course. It’s the SBP that is going to make the determination. That’s just my personal opinion,” ani Reyes.
- Latest