^

PM Sports

La Trouppei at Going East papalag sa Road to Triple Crown

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kakasahan ng La Trouppei at Going East ang tikas ng Jaguar sa karerahan paglarga ng 2023 PHLRACOM “ Road to Triple Crown Stakes race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Linggo ng hapon.

Matunog ang kalahok na La Trouppei at Going East sa social media kaya posibleng makakuha rin ng malaking suporta sa mga karerista pagtaya nila sa Off-Track betting stations. (OTBs).

Sasakyan ni class A jockey Kelvin Abobo ang La Trouppei habang si Andreu Villegas ang gagabay sa Going East sa event na may distansyang 1,600 meter race.

Maliban sa La Trouppei, Going East at Jaguar ang ibang nominado sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay ang Earli Boating, Easy Way, Port Kennedy, Sartorial Elegance, Secretary, Sweetie Giselle at Winner Parade.

Nakalaan ang P1M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, isa pang tinitingnan ng mga karerista na magpapakitang gilas ay ang Secretary na rerendahan ni MM Gonzales.

Hahamigin ng ma­na­nalong kalahok ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000 habang P100,000 sa tersero.

Kukubrahin naman ng fourth hanggang sixth ang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ayon sa pagkasunod.

Mag-uuwi rin ng P50,000 ang breeder ng winning horse.

Paniguradong naghahanda ng todo ang mga trainers at hinete upang puntiryahin ang inaasam na premyo.

KARERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with