^

PM Sports

Argentine taob kay Marcial

Chris Co - Pang-masa
Argentine taob kay Marcial
Itinaas ng referee ang kamay ni Eumir Marcial matapos talubnin si Argentinian boxer Ricardo Villalba via 2nd round knockouts.
philboxing.com photo

MANILA, Philippines — Inilabas ni four-time SEA Games champion Eumir Felix Marcial ang bagsik nito para kubrahin ang second round knockout win laban kay Ricardo Villalba ng Argentina kahapon sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Matikas ang rekord ni Marcial na may apat na sunod na panalo na upang manatiling malinis ang rekord nito sa professional boxing tangan ang 4-0 baraha.

“Glory to God! We are still undefeated! Humbled to have won the fight against a tough veteran, Argentinian Ricardo Ruben Villalba via KO after the 2nd round. All my training has paid off and my hard work bore fruit of our labor,” ani Marcial sa kanyang post sa social media.

Ngayon lang din sumalang ang Tokyo Olympics bronze medalist sa eight-round fight kumpara sa mga naunang laban nito na four-round bout lamang.

Isang matinik na left hook ang pinakawalan ni Marcial dahilan para bumagsak si Villalba may 1:22 pang nalalabi sa first round. Nakarekober si Villalba.

Ngunit muling nag­latag ng malakas na pu­wersa si Marcial sa second round kung saan dalawang beses nitong napatumba ang Argentine pug.

Pinaulanan ni Marcial ng kaliwa’t kanang kumbinasyon si Villalba kung saan nagdesisyon na ang referee na itigil ang laban.

Nagpasalamat si Marcial sa team nito na siyang gumabay sa kanya sa buong panahon ng kanyang training camp sa Amerika.

Kasalukuyang bahagi si Marcial ng MP Promotions na pag-aari ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

EUMIR FELIX MARCIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with