Fuel Masters nilasing ng Beermen sa Isabela

MANILA, Philippines — Itinagay ng San Miguel ang 94-89 panalo kontra sa Phoenix kahit pa kulang-kulang ang roster nito sa pagpapatuloy ng PBA On Tour kamakalawa ng gabi sa Capital Arena sa Ilagan City, Isabela.
Walong players ang wala sa Beermen subalit wagi pa rin nang mag-bayanihan sina Marcio Lassiter, Mo Tautuaa, Jeron Teng at Rodney Brondial upang lusutan ang kumpletong Fuel Masters.
Kumamada ng 30 puntos si Lassiter habang may 17, 14 at 13 puntos sina Brondial, Teng at Tautuaa para sa mga bataan ni coach Leo Austria na kasosyo ang NLEX sa liderato ng PBA hawak ang parehong 7-2 kartada bago ang break.
Natengga muna ang PBA kaya nagsagawa ng On Tour na exhibition matches sa iba’t ibang probinsya dahil sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games, kung saan pumaparada ang all-PBA Gilas Pilipinas team ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone.
Hindi nakalaro si Barefield para sa Bossing gayundin si Bolick para sa Road Warriors at ngayon, hindi rin nakasama ng Beermen sina Don Trollano at Jerrick Ahanmisi.
Wala rin sa SMB sina 9-time PBA MVP June Mar Fajardo, CJ Perez, Jericho Cruz, Chris Ross, JM Calmva at import na si George King na nasa Amerika pa subalit hindi ito ininda ng mga tropa ni Austria kahit pa kontra sa halos buong puwersang Fuel Masters.
Pumukol ng 17 at 12 puntos sina Ricci Rivero at Justin Chua para sa koponan ni coach Charles Tiu na hindi rin nakasama ang import na si BJ Johnson at beteranong lider na si Jason Perkins.
- Latest
























