Hussein pumalag sa cheating issue
MANILA, Philippines — Dismayado si Australian Nedal Hussein sa mga isiniwalat ni retired referee Carlos Padilla patungkol sa umano’y pagtulong nito kay eight-division world boxing champion Manny Pacquiao na manalo sa kanilang laban noong 2000 sa Antipolo City.
Matatandaang inihayag ni Padilla sa isang interview na tinulungan nito si Pacquiao na manalo sa pamamagitan ng pagbagal sa pagbibigay ng mandatory count.
Iginiit ni Padilla na nakatulong ito para makarekober si Pacquiao matapos magtamo ng solidong suntok mula kay Hussein.
Nabalitaan ito ni Hussein na lubos na ikinagalit nito.
“When I learned about Carlos Padilla’s interview, it made me very angry. People cheat in sports. Some take drugs to get better performance. But you don’t usually hear cheating from the referee and the judges,” ani Hussein sa panayam ni Jessica Soho sa progamang Kapuso Mo Jessica Soho.
Naniniwala si Hussein na hindi dapat mapasama si Padilla sa Hall of Fame dahil sa mga rebelasyon nito.
“You never hear a referee say, ‘I did this to help a fighter win.’ But that’s what Carlos did. (And) for what he did, he shouldn’t be in the Hall of Fame,” ani Hussein.
Handa si Hussein na magkaroon ng rematch kay Pacquiao upang madetermina ang totoong nanalo sa laban.
“I haven’t been in the ring since 2007. But if there’s a challenge, I’d love to have a rematch against Manny Pacquiao,” ani Hussein.
- Latest