Wiggins sinandigan ng Warriors
SAN FRANCSICO — Nang ituon ng Los Angeles Clippers ang kanilang atensyon kina “Splash Brothers” Stephen Curry at Klay Thompson ay hindi nila napansin si Andrew Wiggins.
Humataw si Wiggins ng season-high na 31 points para igiya ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 124-107 pagpapabagsak sa Clippers.
Kumonekta si Wiggins ng 12-for-18 fieldgoal shooting tampok ang anim na triples para pamunuan ang Golden State sa paglilista ng 9-10 record.
Nag-ambag si Curry ng 22 points, 9 assists at 6 rebounds at may 18 markers si Thompson.
Pinamunuan ni Marcus Morris Sr. ang Los Angeles (11-8) sa kanyang 19 points.
Kinuha ng Warriors ang 66-47 halftime lead patungo sa 103-82 pagbaon sa Clippers sa pagbubukas ng fourth period.
Sa Oklahoma City, nagposte si Nikola Jokic ng 39 points at may 30 markers si Aaron Gordon sa 131-126 overtime win ng Denver Nuggets (11-7) laban sa Thunder (7-11).
Sa Milwaukee, kumamada si DeMar DeRozan ng 36 points sa 118-113 pagsuwag ng Chicago Bulls (8-10) sa Bucks (12-5).
Sa San Antonio, humakot si Zion Williamson ng season-high na 32 points sa 129-110 dominasyon ng New Orleans Pelicans (11-7) sa Spurs (6-13).
- Latest