Centeno sibak sa quarters
MANILA, Philippines — Minalas si Pinay pride Chezka Centeno na makapasok sa semifinals matapos makatikim ng 6-9 pagkatalo kay veteran Kelly Fisher ng Great Britain sa 2022 Predator World Women’s 10-Ball Championship sa Klagenfurt, Austria.
Nagmula ang 2022 Asian 9-ball Women’s Championship champion sa 9-6 paggupo kay Indonesian Angeline Ticoalu sa Last 16.
Ngunit pagdating sa quarterfinals ay nangibabaw ang eksperyensa ng 44-anyos na si Fisher laban sa 23-anyos na tubong Zamboanga City na si Centeno.
Nauna nang nasibak si two-time Predator 10-ball titlist Rubilen Amit sa second round.
Subalit nakipagtambal ang 40-anyos na si Amit kay Johann Chua para sa 3-1 panalo ng Team Philippines sa Poland papasok sa semifinals ng Predator World Teams Championship.
Bumida sina Amit at Chua matapos mahirapan si US Open Pool champion Carlo Biado kay reigning men’s World 10-ball champion Wojciech Szewczyk sa men’s singles set.
Lalabanan nina Amit, Biado at Chua ang Team Germany, iginupo ang Spain, 3-1, sa semifinals at magtutuos ang Great Britain at Chinese Taipei.
- Latest