^

PM Sports

Vietnam, China swak sa Final Four

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabante sa semis ang China at Vietnam matapos pataubin ang kani-kanyang karibal sa quarterfinals ng 2022 AVC Cup for Women kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Dumaan muna sa butas ng karayom ang Vietnam bago itakas ang pahirapang 19-25, 25-17, 16-25, 25-18, 15-10 panalo laban sa Chinese Taipei.

Kumana si Tran Thi Thanh Thuy ng 25 puntos tampok ang walong sunod na puntos sa huling sandali ng laro para buhatin ang Vietnam sa panalo.

Nagdagdag naman si Hoang Thi Kieu Trinh ng 22 puntos habang may 10 markers si Nguyen Thi Trinh para sa Vietnam.

“If we got one winning point, we encourage them to play better,” ani Tran.

Sasagupain ng Vietnam ang mananalo sa pagitan ng Japan at Iran.

“We will try to play together. We will prepare,” ani Tran.

Samantala, sapat na lakas lamang ang inilabas ng China upang mabilis na dispatsahin ang Australia sa bendisyon ng 25-13, 25-8, 25-8 demolisyon.

Nagtala si Wu Mengjie ng 17 puntos kabilang ang apat na aces habang kumana naman si Zhou Yetong ng 14 hits para banderahan ang kamada ng China.

Nagdagdag pa si Zhuang Yushan ng 13 puntos habang umiskor si Wang Wenhan ng siyam na puntos tampok ang dalawang blocks.

Haharapin ng China sa semis ang mananalo sa pagitan ng Thailand at Pilipinas.

 Nanguna para sa Australia si Caitlyn Tipping na may apat na puntos habang may apat din si Rebecca Redgen at tatlo naman si Stef Weiler. 

 

AVC CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with