Magsayo ipagtatanggol ang WBC crown
MANILA, Philippines — Itataya ni Pinoy champion Mark Magsayo ang kanyang World Boxing Council (WBC) featherweight crown laban kay Mexican challenger Rey Vargas ngayon (Manila time) sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Ito ang unang pagdedepensa ng 27-anyos na si Magsayo sa kanyang WBC title na napanalunan niya noong Enero matapos itong agawin kay American Gary Russell Jr. via majority decision.
Umaasa ang tubong Tagbilaran City na hindi siya tatakbuhan ni Vargas para sa isang magandang laban.
“I hope Rey Vargas won’t run too much so we can give a good fight,” sabi ni Magsayo na may 24-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 knockouts sa 5-foot-10 na si Vargas.
“If you want to exchange blow, I’m more than happy to do that,” sagot naman ng Mexican fighter na may bitbit na 35-0-0 (22 KOs) card.
Nagsasanay si Magsayo sa ilalim ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na tumulong kay Manny Pacquiao para maging natatanging world eight-division champion.
Si Vargas ay dati namang WBC super bantamweight king at ginawa ang kanyang featherweight debut mula sa isang 10-round decision sa kababayang si Leonardo Baez noong Nobyembre.
- Latest