^

PM Sports

Sabong on Air ni Cayanong wagi sa King Arthur 6-cock derby

Nilda Moreno - Pang-masa
Sabong on Air ni Cayanong wagi sa King Arthur 6-cock derby

MANILA, Philippines — Dinomina ng mga panabong ni Ka Rex Cayanong ang King Arthur 6-cock derby na binitawan sa ruweda ng RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna noong Huwebes.

Gamit ang entry name na Sabong On Air, nakapagtala ito ng apat na panalo at dalawang tabla para sa kabuuang limang puntos sapat para maging solo champion si Cayanong na isang veteran journalist at columnist.

Tinalo ng mga manok ni Cayanong ang Villa Elena 789 Super Reyna, Tiger Shark ni Celso Salazar at SMC ni Tady Palma.

Tabla naman ang Sabong On Air sa mga entries na Gen X Fighter at JJA - DVH sa pa-derby ni Art Atayde.

Apat na kampeonato na ang nakuha ni Cayanong ngayong taon na nagsimula noong Marso 21, 2022, solo champion ang Sabong On Air sa WPC Battle of the Big Boys na ginanap sa Manila Arena sa Sta. Ana.

Nakipagsanib-puwersa si Cayanong kay Richard Perez para maghari ang RI­PER/Sabong On Air sa JP Dragon 6- cock derby na binitawan sa New Antipolo Coliseum noong Mayo 15.

Nagwagi ulit ang combined entry nina Cayanong at Perez na RIPER/Sabong On Air sa Hagibiz 4-cock Derby sa Laguna na RI­PER Sports Santa Rosa Mega Cockpit.

vuukle comment

KING ARTHUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with