Douthit tatayong coach ng ABA team
MANILA, Philippines — Binuksan ni dating Gilas Pilipinas reinforcement Marcus Douthit ang bagong kabanata ng kanyang basketball career bilang head coach sa American Basketball Association.
Mamanduhan ni Douthit ang Beantown Bisons sa Northeast Division ng ABA simula ngayong season.
Noong 2017 pa huling naglaro ng pro basketball si Douthit para sa Hanoi Buffaloes sa Thailand Basketball Super League bago mag-transition sa coaching.
Nagsimula siyang maging assistant sa Rick Harris sa Community College of Rhode Island bago maging head coach ngayong taon.
Produkto ng Providence College sa US NCAA si Douthit bago maging naturalized player ng Gilas Pilipinas noong 2011.
Sa pangunguna ni Douthit ay nagsimulang lumakas ang Gilas tampok ang gintong medalya sa 2012 Jones Cup, 2013 at 2015 Southeast Asian Games pati ang bronze medal sa 2014 FIBA Asia Cup at silver medal sa 2013 sa FIBA Asia Championships.
Ang naturang silver medal ng Gilas noong 2013 sa FIBA Asia Championships na dito ginanap sa Pilipinas ang nagdala sa bansa pabalik sa FIBA World Cup matapos ang halos apat na dekada.
Nagsilbi ring import sa PBA si Douthit para sa Air21 at Blackwater.
- Latest