Paras out muna sa PBA
MANILA, Philippines — Hindi masisilayan si Andre Paras kasama ang Blackwater sa Season 47 ng Philippine Basketball Association (PBA).
Ito ay matapos magsumite si Paras ng leave of absence upang pagtuunan ang personal na commitments nito.
Kinumpirma ito ni Blackwater head coach Ariel Vanguardia kung saan inaasahang sesentro muna ang atensiyon ng 6-foot-4 cager sa kanyang showbiz career.
Nilinaw naman ni Vanguardia na bahagi pa rin ng Bossing si Paras.
Habang wala sa liga, naka-freeze lamang ang kontrata nito sa Blackwater at hindi ito mapupunta sa free agency.
Hawak pa rin ng Blackwater ang karapatan kay Paras.
Nakapaglaro si Paras sa Bossing ng 19 beses sa nakalipas na season.
Noong Philippine Cup, nakapagtala si Paras ng averages na 1.6 points at 1.3 rebounds kada laro habang mayroon itong averages na 2.8 points at 1.7 rebounds sa Governors’ Cup.
Si Paras ang ikatlong mawawala sa Blackwater dahil nagpapagaling pa sina Brandon Rosser at Jay Washington sa kani-kanyang injury.
Dahil dito, humugot ang Blackwater ng ilang key players para punan ang nabakanteng puwesto.
Kinuha ng Bossing sina Yousef Taha, Rey Publico at James Sena.
- Latest