Nasugatan pero hindi umayaw
Dalawang beses nabalda (ACL tear) pero bumangon at ngayon eh, may tsansang ibulsa ang Best Player of the Conference award.
Iyan ang magandang kuwentong buhay basketbol ni NLEX guard Kevin Alas.
Hindi katagalan mula nang bumalik sa kanyang knee surgery eh, kumakarera si Alas para sa BPC plum sa 2022 PBA Governors’ Cup.
Pagkatapos ng single-round-robin elimination phase, pasok si Alas (33.55 SPs) sa Top Five sa stats race kasama sina Robert Bolick (39.9), Matthew Wright (34.9), Mikey Williams (33.9) at Arwind Santos (33.5).
Lumakas ang laban ni Alas nang makalusot sila sa semifinals, samantalang nalaglag na ang koponan nina Bolick at Santos (NorthPort), Wright (Phoenix) at Williams (TNT).
May tsansang makasingit bilang official contender sina Scottie Thompson, Paul Lee at Mark Barroca kung makausad sila sa Top Five pagkatapos ng semifinals. Kasalukuyan silang dikit-dikit sa likod ng top contenders.
Magbabanggaan ang koponan nina Alas (NLEX) at Thompson (Ginebra), samantalang haharapin ng koponan nina Lee at Barroca (Magnolia) ang Meralco.
Masusukat dito kung sino ang tunay na conten-ders at kung sino ang pretenders. Kung ngayon na ang botohan eh, kay Alas ako.
Sa Best Import race, malupet na kandidato si Mike Harris ng Magnolia.
Dahil umuwi si KJ McDaniels ng NLEX, ang close rivals ngayon ni Harris eh sina Justin Brownlee ng Ginebra at Tony Bishop ng Meralco.
- Latest