^

PM Sports

Morales bumida sa Isabela Stage 8

Pang-masa

ECHAGUE, Isabela, Philippines — Napanatili ni Ronald Oranza ng Navy Standard Insurance ang kapit sa overall lead habang inangkin ni Jan Paul Morales ng Excellent Noodles ang 174.4-kilometer Stage Eight sa 11th LBC Ronda Pilipinas kahapon dito.

Nagposte si Morales, ang 2016 at 2017 Ronda king, ng bilis na apat na oras, 41 minuto at 31 segundo para sa ikalawang lap win.

May pareho ring ti­yempo sina Oranza at Marcelo Felipe ng Team Nueva Ecija para tumapos sa second at third place, ayon sa pagkakasunod.

Hawak pa rin ni Oranza, ang 2018 Ronda champion, ang overall lead sa kanyang aggregate time na 27:59:47 habang apat na segundo lang ang agwat ni Morales (28:00:25) matapos makakuha ng 10-se­cond bonus sa pagkopo sa Stage Eight.

Ang iba pang nasa Top Five ay sina Jonel Carcueva ng Go for Gold (28:02:55), Ronald Lomotos ng Navy Standard Insurance (28:08:54) at Felope (28:09:36).

Patuloy ang paghawak ng Navy Standard Insurance sa overall team lead sa itinalang 81:22:24.

RONALD ORANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with