^

PM Sports

Miami tumatag sa No. 1 sa East

Pang-masa
Miami tumatag sa No. 1 sa East

MIAMI — Kumonekta si Duncan Robinson ng 25 points tampok ang pitong  triples para banderahan ang Heat sa 110-96 panalo sa New York Knicks at patibayin ang hawak sa No. 1 spot sa Eastern Conference.

Iginiya ni Robinson ang Miami (31-17) sa double-digit lead, 30-16, sa first period matapos dominahin ang New York (23-26) patungo sa pagtatayo ng 88-58 kalamangan sa third quarter.

Nagdagdag si Jimmy Butler ng 22 points para sa ikalawang sunod na panalo ng Heat at may 21 at 20 markers sina Tyler Herro at P.J. Tucker, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Obi Toppin ng 18 points kasunod ang 17 markers ni RJ Barrett sa panig ng Knicks na nasa No. 11 spot sa East.

Sa Phoenix, nagpasabog si Devin Booker ng 43 points bukod sa career-high 12 rebounds para banderahan ang NBA-leading Phoenix Suns (38-9) sa 105-97 pagdomina sa Utah Jazz (30-19).

Sinikwat ng Suns ang kanilang pang-walong sunod na panalo para patuloy na pangunahan ang NBA at ang Western Conference.

Humugot si Fil-Am Jordan Clarkson ng 16 sa kanyang team-high 26 points sa fourth period para pamunuan ang Utah na naglaro na wala ang mga injured starters Donovan Mitchell (concussion) at Rudy Gobert (left calf strain).

Sa Cleveland, humataw si Kevin Love ng 25 points, habang may 23 markers si Cedi Osman para sa 115-99 panalo ng Cavaliers (30-19) sa nagdedepensang Milwaukee Bucks (30-20).

Sa San Antonio, dinuplika ni Ja Morant ang kanyang season high na 41 points para akayin ang Memphis Grizzlies (33-17) sa 118-110 paggupo sa Spurs (18-31).

DUNCAN ROBINSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with