Jordan Poole nagbida sa nangungunang Warriors
SAN FRANCISCO — Umiskor si Jordan Poole ng 15 sa kanyang 25 points sa first quarter para pangunahan ang Golden State Warriors sa 120-107 pagdomina sa Houston Rockets.
Nagtala rin si Poole ng 5 assists at 4 rebounds para sa Warriors na ipinoste ang kanilang apat na sunod na ratsada para sa NBA-leading 8-1 record.
Tumipa si Stephen Curry ng 20 points, habang may 16 markers si Andrew Wiggins at humakot si Draymond Green ng 6 points, 8 rebounds at 9 assists.
Binanderahan ni Jae’Sean Tate ang Rockets (1-9) sa kanyang 21 points at 10 rebounds at may 14 markers si Daniel Theis.
Kinuha ang 83-80 abante, gumamit ang Golden State ng 15-0 atake para itala ang 18-point lead sa third quarter at ipalasap sa Houston ang pang-walong dikit na kamalasan.
Sa Washington, tumipa si Bradley Beal ng 30 points para tulungan ang Wizards (7-3) sa 101-94 pagpapatumba sa nagdedepensang Milwaukee Bucks (4-6).
Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 15 points at 10 rebounds para tapusin ng Washington ang kanilang eight-game losing skid laban sa Milwaukee.
- Latest