^

PM Sports

6-araw na uli ang karera

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumalik na sa dati ang iskedyul ng karera dahil anim na araw na uli ang operation.

Nagkaroon ng karera kahapon araw ng Martes at mayroon na rin ngayon, parehong pakarera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI). 

Puro “No Bearing” races ang karera simula kahapon hanggang sa July 25.

Sa No Bearing race, kahit manalo ang kabayo ay mananatili sila sa kanilang grupo.

Nagbalik ang karera noong Setyembre 2020 pero nagsimula lang sa dalawang araw, Sabado at Linggo hanggang sa naging apat at ngayon ay balik na sa anim na araw.

May siyam na karera ang inihain ng MMTCI, isa sa mga aabangan ng mga karerista ay ang banatan sa Condition Race (21) na ilalarga sa Race 6.

Anim ang kasali sa nasabing event, tiyak na magiging mainit sa mata ng karerista ang kalahok na Chinito at Rockaway sa event na may distansyang 1,200 meter race.

Ang ibang kalahok ay ang Santiago’s Pride, Abakada, Eyeshot at Haymaker sa karerang inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

vuukle comment

METRO MANILA TURF CLUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with