^

PM Sports

Raymar Jose tatagal pa ng 1-year sa Meralco

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyan ng contract extension ng Meralco si slotman Raymar Jose upang makasama ng Bolts sa kanilang kampanya sa PBA Season 46 na planong simulan sa Abril.

Isang taong kontrata ang inilatag ng Meralco management kay Jose na isa sa mga nabigyan ng panibagong deal kasama sina Reynel Hugnatan, Noy Baclao at Jammer Jamito.

Malaki ang pasasalamat ni Jose sa pamunuan ng Bolts sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Bilang reserve bigman, nakapagtala lamang ng averages na 2.4 points at 2.8 rebounds si Jose sa Philippine Cup na ginanap sa bubble sa Clark, Pampanga.

Samantala, naikasa ng Rain or Shine ang trade sa NorthPort kung saan nakuha ng Elasto Painters si slotman Bradwyn Guinto kapalit nina Batang Pier standouts Sidney Onwubere at Clint Dolinguez.

Naisumite na ang mga dokumento sa trade sa PBA Commissioner’s office para maipormalisa ang rigodon.

Inaasahang maka-tutulong ng malaki sa Elasto Painters si Guinto kasama sina Beau Belga, Norbert Torres at Prince Rivero.

Hindi masyadong nagamit si Guinto sa Philippine Cup dahil bumandera para sa Batang Pier sina Christian Standhardinger at Kelly Nabong.

Kaya naman nalimitahan ang produksiyon nito sa 2.2 points at 1.7 rebounds.

vuukle comment

RAYMAR JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with