Molina at Palma tumawid na sa PVL
MANILA, Philippines — Sa gitna ng mainit na salpukan sa liderato ng national sports association ng volleyball sa bansa, tuloy ang rigodon ng mga players matapos ang kaliwa’t kanang lipatan sa iba’t ibang koponan.
Sumali na rin sa tawid-bakod sina national team member at outside hitter Ces Molina at middle blocker Remy Palma na lumundag sa kampo ng PetroGazz Angels.
Miyembro sina Molina at Palma ng six-time Philippine Superliga champion Petron Blaze Spikers.
Subalit nagsumite ng ‘leave of absence’ ang Petron sa PSL dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Kaya naman nagdesisyon ang dalawa na sumalang sa Premier Volleyball League (PVL)--ang kauna-una-hang professional volleyball league sa bansa-- kasama ang Gazz Angels.
Sa pagpasok nina Molina at Palma, mas lalong na-ging solido ang PetroGazz kasama ang bagong recuits na sina middle blocker Ria Meneses, outside hitter Grethcel Soltones, opposite spiker Jerrili Malabanan, playmaker Ivy Perez at libero Kath Arado.
Samantala, pinaplantsa na ng PSL ang pagdaraos ng Beach Volleyball Challenge Cup sa Pebrero 25 hanggang 27 sa Subic, Zambales.
Kabilang sa mga tinututukan ang gagamiting venue at accommodation ng buong delegasyon gayundin ang mga requirements na kailangan mula sa Inter-Agency Task Force at local government unit.
May 12 koponan na ang kumpiradong lalahok sa three-day event.
Habang abala ang mga players at organizers sa pagbabalik-aksiyon ng volleyballl sa bansa sa taong ito, inutusan ng International Volleyball Federation (FIVB) ang Philippine Olympic Committee (POC) na manduhan ang eleksiyon ng volleyball na idaraos sa huling bahagi ng buwan.
Layunin ng FIVB na pag-isahin ang Larong Volleyball sa Pilipinas Incorporation (LVPI) at Philippine Volleyball Federation (PVF) upang matuldukan na ang isyu sa agawan sa liderato.
- Latest