^

PM Sports

Mccullough kinakausap para maging naturalized player

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Mccullough kinakausap para maging naturalized player
Chris McCullough

MANILA, Philippines – Nasa kasagsagan na ng pag-uusap ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at si dating PBA import Chris McCullough para maging naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Mismong si SBP president Al Panlilio ang mismong lumapit kay McCullough noong nakaraang ta­on matapos ang madalas nitong pagpaparamdam na nais niyang maglaro para sa bansa.

Inamin ng dating NBA player ang kanyang mala­lim na interes sa posibleng naturalization process su­balit nilinaw ni Panlilio na nasa “early stage” pa lamang ang kanilang diskusyon.

Ayon kasi kay Panlilio, ang Governor din ng Me­ralco sa PBA Board, magkaiba ang pagpapakita ng interes pa lamang sa pagsang-ayon sa naturang plano.

Ito ang bagay na kinaklaro na niya at pinapatraba­ho kay Gilas manager Gabby Cui.

Matatandaang noong nakaraang taon ay dinala ng Brooklyn Nets standout ang Beermen sa korona ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Sa edad na 24-anyos pa lamang at may balanseng galing sa ilalim at sa labas, perpekto si McCullough bilang posibleng susunod na naturalized player ng Gilas Pilipinas matapos si Andray Blatche.

Kasalukuyan pang naglalaro si McCullough sa Ko­rean Basketball League.

Nauna nang sinibak ng SBP si Blatche bilang long-time naturalized player ng Gilas Pilipinas na pinagsilbihan niya simula sa 2014 FIBA World Cup.

Nilinaw naman ni Panlilio na sa ngayon ay wala pang pinal na pangalan ng kanilang mga prospects da­hil dedepende ito sa mapipiling permanent Gilas Pilipinas head coach.

Subalit tiniyak ni Panlilio na ang sinumang mga kandidato ay ilalagay sa pool of naturalized players na magiging malaking bahagi sa misyon ng Gilas Pilipinas na magkaroon ng maraming opsyon sa iba’t ibang tournament.

Ilan pa sa matunog na pangalan ay sina resident PBA import Justine Brownlee at Ateneo reinforcement Ange Kouame na parehong gumugulong na sa kongreso ang naturalization process.

 

vuukle comment

CHRIS MCCULLOUGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with