^

PM Sports

San Miguel, Ginebra paborito pa rin sa Phl Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit wala ang mga hi­ganteng sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter ay nananatiling pabo­rito ang San Miguel at Ba­rangay Ginebra na manaig sa papalapit na 2020 PBA Philippine Cup.

Ayon ito mismo sa PBA Board of Governors na nagkasundo sa paghirang sa sister teams na si­yang “teams to beat” sa All-Filipino Conference na magbubukas sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa re­covery ang five-time PBA MVP na si Fajardo matapos madale ng complete fracture sa kanyang right tibia.

Hindi siya makakala­ro sa buong Philippine Cup at maaaring mapalawig pa hanggang sa se­cond conference na Commissioner’s Cup.

Si Slaughter naman, sa kabilang banda ay big­laang nagdesisyon na magpapahinga muna sa basketball matapos ma­paso ang kontrata sa Gin Kings.

Pinagharian ng San Miguel ang Philippine Cup at Commissioner’s Cup noong nakaraang ta­on, habang Ginebra naman ang nanalo sa Go­ver­nors’ Cup.

Sa pagkawala ni Fa­jar­do ay aasa si coach Leo Austria kina Marcio Lassiter, Chris Ross, Alex Cabagnot at ang nag­babalik na si Arwind Santos mula sa kanyang team suspension.

Bagong mukha rin sa Beermen si Russel Esco­to mula sa NorthPort at handang punan ni Moala Tautuaa ang puwesto ni Fajardo.

Ang Gin Kings naman ni coach Tim Cone ay babanderahan nina Governor’s’ Cup Finals MVP Japeth Aguilar ka­sama sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Jeff Chan, Art Dela Cruz at Mark Caguioa kasama sina rookies Arvin Tolen­tino ng FEU at Jerrick Ba­lanza ng NCAA champion na Letran.

2020 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with