Mga fans nagpaalam kina Kobe at Gianna
LOS ANGELES — Libu-libong nagluluksa ang nagtungo rito sa Staples Center para magpaalam kina Kobe at Gianna Bryant.
Pararangalan ang basketball superstar at ang kanyang 13-anyos na anak sa isang public memorial sa arena kung saan naglaro si Bryant para sa Los Angeles Lakers.
Namatay ang 41-anyos na si Bryant at si Gianna kasama ang pitong iba pa sa helicopter crash noong Enero 26.
Ang “Celebration of Life” ay magtatampok sa pagpapahalaga ng mga speakers sa nagawa ni Bryant sa basketball at sa buong mundo.
Kasabay ng musika ay ang pagpapalabas sa mga on-court achievements ni Bryant.
Naging aktibo rin siya sa film, television at pagsusulat matapos magretiro sa NBA noong 2016.
Inaasahang dadalo ang pamilya at mga kaibigan ni Bryant bukod sa mga sports greats at mga major figures.
Sold out na ang tiket sa Staples Center para sa public memorial.
Ang malilikom na salapi mula sa ticket sales ay ibibigay sa Mamba and Mambacita Sports Foundation.
- Latest