^

PM Sports

Ibubuhos lahat ni Taduran

Chris Co - Pang-masa
Ibubuhos lahat ni Taduran
Pedro Taduran

MANILA, Philippines — Ibubuhos ni International Boxing Federation (IBF) minimumweight world champion Pedro Taduran ang buong lakas nito upang maipagtanggol ang titulo laban kay Mexican fighter Daniel Valladares sa bakbakang lalarga ngayong araw sa Jardin Cerveza Expo sa Guadalupe, Mexico.

Pasok sa timbang si Taduran na may 104.6 pounds habang nagtala naman ng 103.8 pounds si Valladares sa official weigh-in  kahapon.

Optimistiko si Taduran na matagumpay nitong madedepensahan ang titulo dahil ilang buwan din itong sumailalim sa matinding pagsasanay para matiyak na handang-handa hindi lamang sa pisikal ma-ging sa mental na aspeto.

Kasado na ang game plan ni Taduran na binuo ng kanyang coaching staff matapos ang puspusang pag-aaral sa galaw at estilo ni Valladares.

“Pinag-aralan talaga namin siya, hindi birong kalaban si Valladares pero nandito ako para lumaban at patunayan ang galing ng isang Pilipino. Lalaban ako hindi para sa sarili ko kundi para sa bayan,” ani Taduran.

Sa kasalukuyan, malamig sa Mexico na umaabot sa 12 degrees ngunit mabilis namang nakaagapay sa klima si Taduran dahil ilang araw na rin ito sa Guadalupe kasama ang kanyang team na sina manager/promoter Art Monis at dating world junior flyweight champion Tacy Macalos.

Ipinagmalaki ni Macalos na maganda ang kondis-yon ni Taduran sa pagkakataong ito dahil bantay sarado ang kanyang nutrisyon.

Nakaprograma rin ang training session ng Pinoy champion para masiguro na kuhang-kuha ang peak nito sa fight night.

Sa kabilang banda, preparado rin si Valladares.

Bato-bato ang katawan ng Mexican fighter na indikasyon na sumailalim din ito sa matinding training camp.

Hawak pa ni Valladares ang home crowd na magiging dagdag inspirasyon nito sa oras ng laban.

Galing si Valladares sa majority decision win laban sa kababayan nitong si Gabriel Ramirez Anaya noong Nobyembre 29 sa Arena Jose Sulaiman sa Noterrey, Mexico.

vuukle comment

PEDRO TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with