Badminton Asia event idaraos sa Pinas
MANILA, Philippines — Isang continental event ang hahawakan ng Pilipinas sa susunod na buwan.
Ibinigay ng Badminton Asia ang hosting rights para sa Badminton Asia Team Championships sa Pebrero 11-16 sa Rizal Memorial Coliseum.
Naniniwala si Badminton Asia Chief Operating Officer Chit Boon Saw na nararapat pamahalaan ng Pilipinas ang continental meet.
“I think the Philippines is one of the fastest developing nations in badminton. And it is good to bring an event like this in a developing badminton country,” pahayag ni Saw.
Ang Asian Championships (individual) ang huling badminton event na pinangasiwaan ng bansa noong 2001.
“The game can be promoted to the masses better with an event like this” ani Saw.
Bukod sa pagiging qualifier para sa Thomas (Men’s) at Uber (Women’s) Cups sa Denmark sa Mayo, ang torneo rin ang huling pagkakataon ng mga shuttlers para makakuha ng puntos sa pag-qualify sa 2020 Tokyo Olympic Games.
Higit sa 290 shuttlers ang inaasahang lalahok sa torneo sa pangunguna ng men’s champion Indonesia at women’s titlist Japan.
Kabuuang 15 men’s teams at 14 women’s squads ang sasabak sa nasabing biennial meet kung saan hahatiin ang dalawang dibisyon sa mga grupo.
- Latest