Alab reresbakan ang Mono sa ABL
MANILA, Philippines — Magtatangka ang mainit na Alab Pilipinas na makasikwat ng ikaapat na sunod na panalo kontra sa Formosa Dreamers sa 2019-2020 ASEAN Basketball League sa Changhua Stadium.
Magaganap ang banggaan ngayong alas-3 ng hapon kung saan susubok ang Alab na masolo ang liderato para sa misyong maangkin muli ang trono matapos masibak bilang defending champion.
Magkatabla sa tuktok ang Alab at Mono Vampire hawak ang parehong 3-1 kartada.
Nagmula ang Alab sa 96-73 panalo kontra sa Mono na siyang nagbigay din sa una ng kauna-unahang kabiguan sa ABL season opener noong nakaraang buwan.
Para mapagpatuloy ang winning streak ay sasandal si coach Jimmy Alapag sa bagong pambato na si Sam Deguara na pinarusahan ang dating koponang Mono sa kanyang 20 points, 10 rebounds at 3 blocks.
Susuporta sa 7-foot-4 na si Deugara sina imports Khalif Wyatt at Nick King at Jason Brickman.
- Latest